Articles

My Amanda (2021). ikaw lang ang patutunguhan | by drui | Jun, 2024

0
Please log in or register to do it.


Sa iyong pagdating tumigil ang aking mundo walang lungkot, walang takot, walang oras ang meron lang ikaw at ako, sa sulok ng ating mundo. Marami kang dadaanang pag subok, minsan malalagpasan mo, minsan mabibigo ka. ganon talaga ang ikot ng mundo. Sa pag aalaga sa sarili mo, maaaring makasakit ka ng iba, kapag nangyari yon. Sana matutunan mong patawarin ang sarili mo, at unawain ang ibang tao. Hawak ko ang kamay mo, andito ako. Bago ang lahat, gusto kong malaman mo na mahal kita. Alam kong nararamdaman mo rin yon, alam ko rin na may tanong ka na hindi madali sakin na sagutin, balang araw, maiintindihan mo rin. Minsan hindi ko alam ang gagawin ko, paano kita papatahanin. Sapat nabang samahan at tabihan ka? eto lang ang maipapangako ko sa’yo, kapag nalungkot ka, mararamdaman ko agad. Kapag tinawag mo’ko, nariyan ako agad, hindi mo pa sinasabi, papunta na’ko sa’yong tabi. Huwag kang matakot. hindi ka nag iisa, pwede kang mag tiwala at kumapit sa akin. Palagi kitang babantayan, kahit ano man ang mangyari. Kung pwede lang, sa’kin ka nalang habang buhay. Ikaw ang prinsesa ng buhay ko, sana huwag ka lang saktan ng ibang taong darating sa buhay mo, i-hahanda kita para sa mundo. Tuturuan kitang maging matatag, magiging sapat naba ito? hindi ko rin alam. Di maiiwasan na ang lahat ng bagay may hangganan, balang araw lilipad ka hangga’t hindi na matanaw. Maaaring magbago ang iyong mundo pero ako hindi. Pinaka mamahal ko, kung dumating ang araw na makahanap ka nang bagong pag-ibig, hindi kita pipigilan. Ingatan mo lang ang sarili mo, kung sino man ang mahanap mo, alagaan ka sana nya katulad ng pag alaga ko sa’yo. iisa lang ang puso mo, huwag kang pumayag na mawasak ito. Kasama mo’ko, palagi. Kapag nagkamali ka, sabay nating i-tama, kung madapa ka, aalalayan kita, hanggang makabangon ka. At kung hindi mo na kaya, aakayin kita. Kahit anong hingin mo, ibibigay ko sa’yo. Dahil ikaw ang aking langit, ikaw ang buwan at araw ko. Ang tanging ilaw sa gabing madilim, hindi mo alam kung gaano ako ka-swerte, kung gaano kasarap na makita ang ngiti mo sa bawat umaga.

Ikaw.

Ikaw na nag bago ang ikot ng aking mundo, Ikaw na ang nag turo sa akin na unahin ang damdamin ng iba bago ang akin. Ikaw na inaalagaan ko dapat, pero hinawakan mo ang kamay ko at ginabayan sa mundong ito. Ikaw ang aking pinakamalaking biyaya sa akin ng diyos. Sino bang mag-aakala na sa layo nang paglalakbay ko, at mga taong nakilala ko sa daan, ikaw pala ang hinahanap ko. Gaano man katagal ang hinintay. Sa wakas, natagpuan din kita. Kaya siguro ganon na lang ang takot ko, kung mawala ako at mag-isa ka na lang. Paano na? Paano ka na? Walang kasiguraduhan sa mundong ‘to. Habang lumilipas ang mga araw, lalo ako napapaibig. Ang sarap sa pakiramdam na kailangan ko rin ng taong kailangan mo. Akalain mo nga naman pwede pa pala akong magbago? Dumating ka sa buhay ko at ginawa mo akong mas mabuting tao. Dahil diyan, habang buhay kitang papasalamatan. Dati marami akong takot at maraming agam-agam, parang palaging may kulang. Hindi ko alam na kailangan ko pala ng kasagutan, hindi ko alam na kailangan pala kita. Ikaw lang ang patutunguhan, ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito.



Source link

Vairt Real Estate Investment In USA | by Vairt Real Estate Investment | Jun, 2024
آشنایی با 50 مورد از مشاغل در لیست کارگاه های تولیدی کوچک در آراد برندینگ | by آراد برندینگ | Jun, 2024
Ads by AdZippy

Your email address will not be published. Required fields are marked *